Ang kontinente ng Asya ay tunay na mayaman. Mula sa mga tanawin at mga likas na yaman, makikita na ang kagandahan ng Asya. Maganda rin ang kasaysayan at kultura ng ating kontinente. Bukod sa mga ito, marami rin ang mga natatanging pamana na matatagpuan sa Asya. Bilang isang mamamayang Asyano, karapatan nating malaman ang mga natatanging pamana na ito.
Ang ating mga ninuno ay gumawa ng mga kaalaman sa mga larangan ng Agham, Medisina, Batas at Panitikan. Ang mga kaalaman na ito ay kanilang ginawa at hinubog sa kanilang panahaon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga kaalaman nila ay ang ating mga natatanging pamana. Bakit mahalaga pa ba ang mga pamana na ito? Sa mga susunod na mga talata ating malalaman ang natatanging sagot sa katanungang iyan. Halina't tunghayan natin ang mga pamana ng mga sinaunang Asyano.
Ang kanlurang Asya ay isa sa may pinakamaraming pamana sa ibat-ibang larangan. Sa larangan ng panitikan, ang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian na Cuneiform ay ang kanilang pinakamahalagang ambag. Ito ang pinakaunang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig. Ito ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga sistema ng pagsulat sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Isa pa sa mga ambag ng Sumerian sa panitikan ay ang akdang " Epic of Gilgamesh". Katulad ito ng Iliad ni Homer ngunit ang Epic of Gilgamesh ang kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig.
Sa larangan ng Agham, ang pagkakaimbento ng gulong ng mga Sumerian ay isa sa malalaking hakbang sa kasaysayan ng transportasyon. Ito ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga sasakyan natin ngayon. Sa larangan ng batas, pinakasikat ang "Code of Hammurabi" ng mga Babylonian. Ito ay mga tala ng 282 na batas ukol sa pamumuhay at pamamahala sa Mesopotamia. Ang lalabag sa kautusan na ito ay may nakaakdang parusa na naghihintay. Ito ang nagsilbing batayan ng mga batas sa ibat-ibang bansa sa kasalukuyang panahon.
Ang Timog Asya ay ang tahanan ng mga pamana na nagbago sa kaisipan at pamumuhay ng buong sangkatauhan. Sa larangan ng panitikan, ang Vedas ng India ay ang pinakamatandang akdang pampanitikan sa Timog Asya. Ito ay naglalaman ng mga teksto mula sa buhay ng mga sinaunag Indyano. Ang akdang Mahabharata ay isa sa mga pinakamahalagang akda sa daigdig. Ito ay mayroong 100,000 na couplet na nagsasaad ng kasaysayan at mga mito ng mga Hindu. Ang mga akda na ito ay nagsilbing batayan ng mga tanyag na manunulat. Ang iba pang mga sikat na akda sa Timog Asya ay ang Ramayana at Panchatantra.
Sa larangan ng Medisina, ang sistema ng "Ayurveda" o Agham ng buhay ay ang pinakamatandang sistema ng panggagamot sa daigdig. Ito ay naglalaman ng panggagamot sa pisikal na karamdaman at kagalingang pangkaluluwa. Ito ang naging batayan ng mga alternatibong panggagamot sa kasalukuyang panahon. Sa larangan naman ng Agham at Matematika, ang kaalaman naman ng "Siruhiya" ay nagsisilbing batayan ng mga pag-aaral sa Matematika. Ito ay nagbibigay ng kaalaman sa Geometry, konsepto ng infinity at sistema ng decimal.
Ang Silangang Asya ay ang tahanan ng mga tanyag na kaalaman sa Agham at Medisina. Ito rin ang tirahan ng tatlong bansang pinakamaimpluwensya sa daigdig, ang China, Japan at Korea. Sa bansang China, nakilala ang "Apat na dakilang imbensiyong Tsino". Sa larangan ng agham, nakilala ang imbensiyong papel ni Cai Lun at woodblock printing sa panahon ng dinastiyang Han at Tang. Ito ang nagbigay daan sa mabilis na paglaganap ng impormasyon sa daigdig.
Nakilala rin ang pulbura o gun powder ng dinastiyang Song bilang materyales na ginagamit para sa paggawa ng mga sinaunang sandata. Ito ay isang malaking hakbang sa paggawa ng mga armas katulad ng baril at iba pa. Ginagamit rin ang gun powder noon sa mga paputok. Sa panahon naman ng dinastiyang Qin natuklasan ang prinsipyo ng magnetic compass na ginagamit ng mga sinaunang Tsino sa panghuhula ng mga pangyayari. Ito ay tinatawag ding " Feng Shui" compass ng mga historyador. Ang compass ay mayroong sandok sa gitna at nakaturo ito sa direksiyong timog-hilaga.
Sa larangan ng Medisina, ang " Acupuncture" ay isang tanyag na pamana ng China. Ito ay ang pagtusok gamit ng karayom sa balat ng tao. Ito ang nagbigay daan sa pag-usbong ng mga unang eskwelahan ng medisina sa Tsina at sa buong mundo. Sa buong kasaysayan ng China, ang pinakakilala na pamana ng mga unang Tsino ay ang establisimiyentong " Great Wall of China". Ito ang nagbigay ng ideya sa mga tao na gumawa ng mga establisimiyento na mayroong ibat-ibang disenyo.
Sa bansang Japan, kilalang-kilala ang Haiku. Ito ay ang pumapasok sa larangan ng panitikan. Ito ay isang maikling tula na mayroong 5-7-5 na taludturan. Ang mga seremonya at libangan na katulad ng "Cha-no-yo" ( tea ceremony), paggawa ng bonsai, origami at ikebana ay ang mga malalaking ambag o pamana ng mga Hapones sa daigdig. Sa bansang Korea, naimbento ang "Movable Metal Printing" na masmabilis at puwede pang gamitin muli hindi tulad ng woodblock printing. Ang librong "Buljo Jikji Simche Yojeol" ay ang nagiisang libro na naimprenta sa Movable Metal Printing na nananatili parin ngayon. Ito ay isang pampanitikang akda na tungkol sa mahahalagang aral ng Buddhism. Ang pagkakaimbento ng Movable Type Printing ay isa sa mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng " Printing Press".
Ang mga imbensiyon ngayon ay maaaring wala pa kung wala tayong mga pamana sa ating mga ninuno. Maaaring wala pa tayong mga sasakyan kung hindi nakaimbento ang mga Sumerian ng gulong. Maaaring wala pa tayong printer o papel kung hindi naimbento ang woodblock printing, movable metal printing at papel ng mga taong taga-Silangang Asya. Napakahalaga ang mga pamana ng ating mga ninuno. Ang mga pamana na ito ang naging batayan ng mga inventor para makabuo ng mga kagamitang ating ginagamit sa ating araw-araw na pamumuhay.
Sa paglipas ng panahon, natatabunan na ang mga kaisipan ng kabataan tungkol sa pamana ng mga sinaunang Asyano. Ang iba pa nga ay walang ng pakialam sa pinagmulan ng bawat bagay na nakikita natin araw-araw. Bilang mga mamamayang Asyano, dapat nating malaman ang ating katauhan o "identity". Bago matapos ang artikulo na iito gusto ko sanang malaman ng kabataan ang totoong kahulugan ng "pamana". Sa makatuwid, ang mga pamana ng mga sinaunang Asyano ang ating naging haligi o pundasyon sa paggawa ng magandang kinabukasan.
References:
Araling Asyano Text Book (Vibal)
Google Images
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento