Huwebes, Oktubre 3, 2013

Proyekto sa AP ♔ | Ansherina Gel T. Medina ♕

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan Sa Asya ,
Ating Pahalagahan

Itinuturing na isang mayaman na bansa ang Asya. Dahil narin sa mga likas na yaman na taglay nito. At dahil sa mga ito ay may iba’t bang mga natuklasan at nagawa ang mga sinaunang tao , At diyan umusbong ang Sinaunang kabihasnan sa Asya.
Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya ay ang Mesopotamia (Ilog Tigris-Euphrates) Mohenjo-Daro at Harrapa (Ilog Indus) Hsia at Shang sa Tsina (Ilog Huang Ho) o kilala sa mga Lambak-Ilog.
Sa Mesopotamia  umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa Kanlurang Asya, ang Sumer. Sa Sumer ay umusbong ang ilan sa mga bagay na masasabing mahalaga sa mga bagay na masasabing Pamana ng mga sinaunang asyano sa daigdig.
Ang  mga Sumerian ang kauna-unahang taong nakaimbento ng isang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig. Ito ang cuneiform .  Ito ang nag palaganap at nag palaki ng cunieform gumamit sila ng baryang pilak bilang salapi nag tatag dai sila ng sistemang pag babangko at pag unawa ng batas na nag tatakda ng sahod at presyo.ang cunieform din ay isang sistema ng pag sulat. Ang character nito ay kumakatawan sa mga pantig o salita sa halip na titig ng alphabeto. Stylus ang ginamit nila na pansulat , yari ito sa patpat na matulis. Sa kanila din natin natutuhan ang pagbibilang isa hanggang sampu .


Sila rin ang nakatuklas ng "Water Clock" , Araro , Gulong , Pilak .
Gumamit din sila ng mga kagamitang yari sa bakal na sandata. Ipinamana rin nila sa atin ang
 Ziggurat na nagsisilbing tahanan at templo ng patron ng isang lungsod. Ang pagtuklas ng  astrolohiya  ay ang pag-aaral ng mga bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap . Ang  Epiko ni Gilgamesh ay isang epikong tula mula sa Mesopotamia na isa sa pinakamamatandang umiiral na mga akda ng panitikan.



Pamana ng Kabihasnang Indus 

Ilog Indus ang naging lundayan ng kabihasnang Indus sa timog na bahagi ng Asya. Ang Citadel  ay itinayo sa sentro ng syudad upang magsilbing tanggulan laban sa mga mananalakay. Naimbento nila ang Decimal System. Ang hugis na bilog ay hinati nila sa 360 degrees.  Natuklasan nila sa paggamit ng isang kalendaryong Lunar.
Nakagawa ng "Bloke o Bricks" .  Natuklasan nila ang tinatawag na "Grid Pattern". At sa kabihasnang ito ay nalaman natin ang “Arkitektura”. Sila rin ang nakatuklas kung paano makagawa ng mga estero at kanal na magiging landuyan ng tubig .
Mahābhārata, ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa Ramayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Ang Tāj Mahal ang pangalan ng isang bantayog na matatagpuan sa ĀgrāIndya. Ipinatayo ito ng emperador na Mughal na si Shah Jahan, anak ni Jahangir, bilang mausoleum . Ang Seksadyesimal (base 60) ay isang numeral system na may animnapung bilang ang natutuhan natin sa kanila.

Mga Pamana ng Kabihasnang Shang
Ang sinaunang kabihasnan sa Shang sa Tsina ay ang (Ilog Huang Ho) .
Ang Kabihasnang Shang ang nakagawa ng Ang ABACUS ay Bilangan ng insík o  ang pinakaputong na tablá sa itaas ó dulo ng haligi. Isa rin sa mga pamana sa atin ng kabihasnang Shang ay  ang tinatawag na  “Acupuncture” ay isang koleksyon ng mga pamamaraan na kinasasangkutan ng pagtagos ng balat na may karayom ​​upang pasiglahin ang ilang mga punto sa katawan. Sila din ang nakatuklas ng “Lunar Calendar” at  "Sundial". At gumawa ng Payong , Pulbura , Pamaypay , Silk o seda , Karetilya.



Paano nga ba MAPAPAHALAGAHAN at AALAGAAN ang mga Pamana ng sinaunang kabihasnan ng Asya?
 Sa pamamagitan kasi ng mga iniwang pamana sa atin ng sinaunang kabihasnan ay marami tayong natutuhan at natuklasan . Ipinapakita dito ang mga importanteng nadiskubre ng mga asyano noon na naging gabay ng mga asyano ngayon upang maka- gawa ng mas maunlad na kagamitan.Bilang isang magaaral papahalagahan ko ito sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagbabahagi ng aking natutuhan sa iba. Hindi ko ito isa sa  walang bahala para mapanatli itong may halaga . At dahil sa mga ito kailangan nating Alagaan at lalo pang tangkilikin ang mga ito.




Ipinasa Kay: Sir. Rodolfo Maramag 
Ipinasa Ni: ANSHERINA GEL T. MEDINA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento