Huwebes, Oktubre 3, 2013

MGA SINAUNANG 

KABIHASNAN SA ASYA


                                                                                                                            
Sa pagpapahusay ng agrikultura at
 sistemang pangkabuhayan, kasabay ng  
pagtatag ng organisadong pamahalaan at
 imbensyon ng pagsulat, unti-unting nakamit ng mga sinaunang Asyano ang maunlad na pamumuhay na nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa Asya.

 Makikita sa mga larawan sa gilid
 ang ilang patunay ng mahusay na pamumuhay ng mga Asyano noong sinaunang panahon--ang ziggurat ng mga Sumerian, sistemang paagusan ng maruming tubig ng mga katutubo ng Indus, at mga kagamitang yari sa bronse ng mga taong shang.



KABIHASNANG SUMERIAN


           
           
Lumikh ang mga Sumerian ng sarili nilang
 sistema ng pag sulat na tinaguriang Cuneiform.
 Ang buong Sumerian ay binubuo ng malalayang
 pamayanan ng pinamumunuan ng mga patesi 
ang mga paring hari ng mga lupain. Ang mga
 sumreian ang kauna-unahang gumamit ng araro,
 paaralan at templo. Sila din ang unang gumamit 
ng behikulong may gulong.

Hindi lahat ng mga Sumerian ay may kakayahang magsulat ng cuneiform dahil lubhang masalimuot ang pag-aaral nito. Tinatawag na SCRIBE ang dalubhasa sa pagsulat ng cuneiforrm.



KABIHASNANG INDUS

Maliban sa Kanlurang Asya, naging sentro                 
 din ang Timog Asya ng isa sa mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ito ang  Harappa at Mohenjo-Daro
na matatagpuan sa kasalukuyang India 
at Paakistan.


KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA


 Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang rehiyong ito ay tinatawag na "subcontinent of Asia". Kahugis ng Indian subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas malaki
 kaysa kanlurang Europe.

Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabang lupain sa lambak ng Indus River.
 Lumalandas ang naturang ilog sa kabundukan ng Himalayas at Dumadaloy sa China, India, at Pakistan.


Heograpiya ng India


Mga labi ng Harappa
Mga labi ng Mohenjo-Daro
   Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.


  Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.





KABIHASNANG TSINO
                                     

Katulad ng India, nanirahan din sa
 China ang mga sinaunang tao sa loob
 ng ilang libong taon. Patunay rito ang
 pagkakatuklas ng mga arkeologo ng
 mga ebidensiyang may sistema ng 
pagsasaka ang mga Tsino may 8000 
taon na ang nakararaan. Sa pagpasok ng
 dakong 2000 B.C.E., umunlad ang mga pamayanang Tsino sa tabi ng Huang Ho River.


Heograpiya ng China

   
Tulad ng mga unang sibilisasyon sa                                          
 Mesopotamia at India,ang kabihasnan
 sa China ay umusbong  sa tabing-ilog
, malapitsa Yellow River o Huang Ho. 
Ang ilog na ito ay nagmumula sakabundukan ng
 kanlurang China at may habang halos 3,000 milya.
 Ito ay dumadaloy sa Yellow Sea.




North China Plain – isang malawak 
na kapatagan na nabuo dahil sa
 pagbabago-bago ng dinaraanan
 ng ilog na Huang Ho.












-JANNESTINE P. STA. ANA
8-St. Maria Goretti-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento