Huwebes, Oktubre 3, 2013

Pamana ng Kabihasnang Asyano sa Daigdig : Pag-balik tanaw sa Nakaraan -CGCC

Camille Grace Carandang

                                               PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

 

                         Pamana ng Kabihasnang Asyano sa Daigdig : Pag-balik tanaw sa Nakaraan

                          Ang ating tatalakayin ay Ang Pagusbong ng Kabihasnan Sa Kanlurang Asya. Ang paglikha ng 'blog' na ito ay magsisilbing proyekto naming mag-aaral sa Ikawalong Baitang - St. Maria Goretti. Simulan natin, sa pagtalakay kung ano ang Kabihasnan. Ang Kabihasnan ay ang pamaraan ng pamumuhay na umunlad at patuloy na umuunlad. Ito rin ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay o pagkakaroon ng sibilisasyon.

                          May iba't-ibang pamantayan para malaman kapag may kabihasnan sa isang partikular na lugar. Ito ay ang ang pagkakaroon ng maayos na Pamahalaan, Modernong Teknolohiya, Sistema ng Paniniwala, Sistema ng Pagsusulat, Economic Specialization at Social Stratification.

                   

                       Una, nagsimula ang kabihasnan ng Kanlurang Asya sa Mesopotamia na kasalukuyang 'Iraq' ngayon. Sinasabi ito ay kinilala bilang 'Lupain sa Tabing Ilog.' Mula sa salitang "mesos" at "potamos" na nangangahulugang "pagitan" at "ilog." Ang lundayan ng kabihasnang ito ay ang Kambal Ilog na Tigris River at Euphrates. Ito rin ay may sinasabing Fertile Cresent



                    Sa Bandang katimugan ng Mesopotamia ay nagsimula ang pagusbong ng isang kabihasnan. Marahil ay tinatawag na "Sumer." Sumerians, sila ang mga tao na nanirahan dito. Ang pamayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 Lungsod-estado. Ilan sa mga ito ay ang mga Kish, Ur, Larak, Nippur at Lagash. Matatagpuan sa bawat lungsod-estado ang mga templong tinatawag na ziggurat. Ito ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Ito ay sagradong lugar kung kaya't tanging mga pari lamang ang maaaring pumasok dito.


                   Ang mga kaganapan sa Sumerian ay nagagawang itala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat. Ito ay tinatawag na cuneiform na ibigsabihin ay hugis-sinsel o wedge shaped. Sinasabi rin na sa panahong ito, unang nagkaroon ng sistema ng pagsusulat. May tinatawag na scribe, o dalubhasa sa pagsulat ng cuneiform. Sila ay nasabing importante dahil sila ang nagiwan ng patunay sa kanilang pagsisilbi dito sa mundo. Sila rin ay gumamit ng "clay tablet" at "stylus."




                  Tayo ay umusad sa susunod na kabihasnang ating matutunghayan. Ang kabihasnang Indus. Ang India ay tinaguriang subcontinent dahil sa laki nito. Nagsimula ang kabihasnang ito sa Harappa at Mohenjo-Daro. Sa kasalukuyan, Ito ay tinatawag na India at Pakistan. Ang lundayan ng lambak-ilog na to ay ang Indus River na matatagpuan sa timog asya. Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukas sa hilaga. Partikular dito, ay ang Hindu Kush. Sinasabing sa bundok na ito ay may lagusan na kanilang tinatawag na Khyber Pass. 


                 Dagdag impormasyon ay ang Lupain ng Indus ay tiyak na mas malawak sa naunang, Kabihasnag  Mesopotamia. Ang ilog na Indus River ay isang malaking ambag sa pangangailangan sa mga naninirahan malapit sa ilog. Ang pag-apaw ng ilog ang nagsisilbing pataba sa lupa na  nagbibigay daan para sa matabang lupain. 



                  


                              Sa Kabilang dako, ang kahuli-hulihang Kabihasnan sa Kanlurang Asya. Ang  Kabihasnang Tsina. Ang lundayan nito ay ang Yangtze River (Chang Jiang) at Huang Ho (Yellow River). Ang Yangtze River ang sinasabing pinakamahabang ilog sa daigdig. Tiyak na malaki ang tulong nito sa mga tsino noong panahon. Maaaring sa transportasyon o sa pangangailangan ng pagkain. 

                              Pero sa kabila ng lahat ng naitulong ng mga ito ay hindi mo maiiwasan ang delubyo na buhat nito. Katulad ng Yellow River, na siyang tinaguriang "China's Sorrow" dahil ito ay nagdala ng malaking pinsala tuwing ito ay aapaw. Maaaring makapagsira ng pananim o kaarian at paminsan ay makapagnakaw ng buhay. Sa Kabihasnang ito rin umusbong ang Pamilyang Shang. Sa Dinastiyang ito ngasimula ang pagkakaroon ng mga kasangkapang gawa sa bronse at paniniwala sa maraming diyos.


                            Sa lahat ng ito, walang duda na malaki ang naiambag ng Kabihasnan sng Kaunlarang Asya sa daigdig. Siya ay nakatulong na mas mapadali ang mga bagay, mapa-komunikasyon o transportasyon. Ating ipagdiriwang ang malaking ambag nito sa patuloy ng pagtaas ng ekonomiya. Ating ipagdasal ang patuloy ng pagunlad ng ating bansa at patuloy na pagkaroon ng kabihasnan.



-Proyekto sa AP (St. Maria Goretti)
Camille Grace Carandang            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento