MGA SINAUNANG
KABIHASNAN SA ASYA
Sa pagpapahusay ng agrikultura at
pagtatag ng organisadong pamahalaan at
imbensyon ng pagsulat, unti-unting nakamit ng mga sinaunang Asyano ang maunlad na pamumuhay na nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa Asya.
Makikita sa mga larawan sa gilid
ang ilang patunay ng mahusay na pamumuhay ng mga Asyano noong sinaunang panahon--ang ziggurat ng mga Sumerian, sistemang paagusan ng maruming tubig ng mga katutubo ng Indus, at mga kagamitang yari sa bronse ng mga taong shang.
KABIHASNANG SUMERIAN
KABIHASNANG INDUS
KABIHASNANG TSINO
Lumikh ang mga Sumerian ng sarili nilang
sistema ng pag sulat na tinaguriang Cuneiform.
Ang buong Sumerian ay binubuo ng malalayang
pamayanan ng pinamumunuan ng mga patesi
ang mga paring hari ng mga lupain. Ang mga
sumreian ang kauna-unahang gumamit ng araro,
paaralan at templo. Sila din ang unang gumamit
ng behikulong may gulong.
Hindi lahat ng mga Sumerian ay may kakayahang magsulat ng cuneiform dahil lubhang masalimuot ang pag-aaral nito. Tinatawag na SCRIBE ang dalubhasa sa pagsulat ng cuneiforrm.
din ang Timog Asya ng isa sa mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro
na matatagpuan sa kasalukuyang India
at Paakistan.
KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA
Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang rehiyong ito ay tinatawag na "subcontinent of Asia". Kahugis ng Indian subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas malaki
kaysa kanlurang Europe.
Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabang lupain sa lambak ng Indus River.
Lumalandas ang naturang ilog sa kabundukan ng Himalayas at Dumadaloy sa China, India, at Pakistan.
Heograpiya ng India
Mga labi ng Harappa |
Mga labi ng Mohenjo-Daro |
Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
.
China ang mga sinaunang tao sa loob
ng ilang libong taon. Patunay rito ang
pagkakatuklas ng mga arkeologo ng
mga ebidensiyang may sistema ng
pagsasaka ang mga Tsino may 8000
taon na ang nakararaan. Sa pagpasok ng
dakong 2000 B.C.E., umunlad ang mga pamayanang Tsino sa tabi ng Huang Ho River.
Heograpiya ng China
Tulad ng mga unang sibilisasyon sa
Mesopotamia at India,ang kabihasnan
sa China ay umusbong sa tabing-ilog
, malapitsa Yellow River o Huang Ho.
Ang ilog na ito ay nagmumula sakabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3,000 milya.
Ito ay dumadaloy sa Yellow Sea.
North China Plain – isang malawak
na kapatagan na nabuo dahil sa
pagbabago-bago ng dinaraanan
ng ilog na Huang Ho.
-JANNESTINE P. STA. ANA
8-St. Maria Goretti-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento