Miyerkules, Oktubre 2, 2013

Asya Noon at Ngayon

Introduksyon
              
                 Ang proyektong ito ay mag papakita ng pamumuhay ng asyano noon sa ngayon. Ipapakita dito ang mga importanteng nadiskubre ng mga asyano noon na naging gabay ng mga asyano ngayon upang maka- gawa ng mas maunlad na kagamitan. Matutunghayan nyo rin dito ang pag unlad ng kanilang sistema. Makikita nyo dito ang malaking pag babago ng mga kagamitan.


                 Sa iyong palagay madidiskubre ba ng mga asyano noon ang lighter kung hindi nila natuklasan ang apoy noon? Wag nating maliitin ang kanilang kagamitan dahil ang mga yun ang ginawang ideya ng mga asyano ngayon upang makabuo ng mga gamit na nakatulong upang mas madali sa atin ang pag gamit ng mga bagay. Kaya wag na tayong mag taka kung bakit kailangan nating pag aralan ang mga kagamitan nila noon.


Paraan ng pagsulat
Noon:

              Sa kabihasnang Sumerian umosbong ang pagsusulat. Ang paraan ng kanilang pag susulat noon ay tinatawag na Cuneiform. Ang Cuneiform ay kung saan ikaw ay nag susulat sa isang clay at ang tawag sa kanilang pinag susulatan ay Soft Clay Tablet. Ang Sumer ay malapit sa ilog kay sila ay sa Clay Tablet na nag susulat ang Clay Tablet ay ang lupang malambot na binubuo nila upang pag sulatan.

Ngayon:
              Sa panahon ngayon ang pag susulat ay madali na lang. Ang pag susulat natin ngayon ay sa papel ginagawa at mas madali ng humanap ng papel. Hindi mo ba alam noon sila ay gumagamit pa Clay tablet upang makapag sulat? Samantalang ngayon lapis at papel na lang  ang kailangan. Wag nating maliitin ang kagamitan nila noon dahil kung hindi nila natuklasan ang mga iyo hindi suguro matutuklasan ang lapis at papel na ginagamit natin ngayon.

              Nabasa natin sa itaas ang malaking pag babago sa paraan ng pag susulat ng mga asyano. Sa mga talatang iyon naka paloob ang importansya ng mga kagamitan noon. Nakapaloob sa talatang nasa taas kung gaano kahirap noon ang pag susulat na nagawan ng paraan ng mga asyano ngayon upang mas mapa- dali.

Ang Pagkatuklas ng Apoy
Noon:
              Kelan ba natuklasan ang apoy? Natuklasan ang apoy noong panahon ng paleolitiko. Ang ata apoy ang pinaka mahalagang naimbento noongpanahon ng paleolitiko dahil sa apoy sila ay nakakapag luto ng kanilang makakain, mag kakaroon ng liwanag tuwing gabi at magkakaroon ng panakot sa mga mababangis na hayop . Alam mo ba na ang pag kakatuklas ng apoy ay aksidente lamang? Oo ak si dente lamang dahil pinag kikis kis nila ng dalawang bato upang maging matulis ng dahil sa friction kumislap ito at sa tabi nito ay may mga tuyong dahon at pat pat at umapoy ito, at doo n nila na diskubre ang apoy.

Ngayon:
          Hanggang ngayon mahalaga pa rin ang apoy. Mahalaga ang apoy hanggang ngayon dahil ginagamit natin ito upang makapag luto. Napansin siguro ng mga asyano na mahalaga ang pag ka tuklas ng apoy kaya sila ay nag imbento ng mga gamit tulad ng nagkikiskis sila ng apoy upang makapag luto samantalang ngayo sila ay nak pag imbento na ng stove upang mas madali makapag luto. Ang apoy na natuklasan nila ang naging inspirasyon ng mga asyano upang makagawa ng bagay upang mas mapadali ang pag likha ng apoy. 

              Marami ang nagagawa ng apoy sa ating buhay noon man o ngayon. Mag pasalamat dapt tayo sa mga ninuno nating asyano dahil natuklasan nila ang apoy, siguro kung wala sila wala sana tayong apoy nagtitis sana tayo sa dilim at kumakain ng hilaw na pagkain. Hindi man ganun kadali ang pag gawa ng apoy noon hindi pa rin hininto ng mga asyano noon ang pag gamit ng apoy at pina- abot pa sa panahon ng pagka- diskubre ng modernong paraan ng pag gawa ng apoy kaya dapat nating ipagpasalamat sa kanila iyon.

Ang Pag- unlad ng Sasakyang Pandagat
Noon:
           Noon pa man ay ginagamit na asyanong sasakyang pandagat. Ang tawag sa kanilang sasakyan pandagat noon ay Canoe na natuklasan noong panahon ng mesolitiko. Ito aymahalaga dahil ito ang naging inspirasyon ng mga asyano noon upang makabuo ng mas maunlad na sasakyang pandagat.

Ngayon: 
           Ang asya ay napapalibutan ng anyong tubig. Mahalaga  na natuklasan ang canoe. May mga modernong sasakyang pandagat na naimbento ang mga asyano. Nagimbento ang mga asyano ng sasakyang pandagat na makakapag pabilis ng transportasyon dahil sa makina neto. Ang makabagong sasakyang pandagat na naimbento ng mga tao ay mas ligtas sakyan dahil sa makina neto na tumutulong upang lumutang at hindi ka na mapapagod sa pag sasagwan.

           Marami ang naitutulong ng barko. Ang canoe siguro ang ginamit na basehan upang magawa ang barko. sa talatang nabasa natin sa taas ang importansya ng  kagamitan nila noon. 




           Sa mga talatang nabasa ninyo sa itaas ay nag papakita lang ng pag unlad ng mga kagamitan ng mga asyano. Marami ang pinamana ng mga asyano noon kailangan lang natin paunlarin upang maabutan pa ito ng susunod na henerasyon. Mag pasalamat tayo sa mga asyano noon dahil sa kanilang natuklasan. Huwag nating pagtawanan ang mga kagamitan ng mga asyano noon dahil kung wala ang mga iyon wala sigurong pag kukunan ng konsepto ang nakapag imbento ng maunlad na kagamitan.

- Johntrix L. Trinidad

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento