Proyekto
Sa
Araling Panlipunan
Panahong Paleolitiko
- Sa Panahong Paleolitiko nagsimula lang gumawa ng kagamitanag yari sa bato ang mga sinaunang tao.Magagaspang pa lang ang mga kagamitan nila hindi pa masyadong pulido at maayos ang pagkakayari sa kanilang mga kagamitan. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pangangaso sa kagubatan at pangangalap ng pagkain ang kanilang.
- Ang mga Sinaunang Tao ay palipat-lipat ang mga ito dahil naghahanap sila ng makakain.Ang paraan ng kanilang pamumuhay ay tinatawag na nomadic o walang permenenteng bahay. Ang tawag nam,an sa mga taong lagalag ay nomad.
- Nakasanayan ng mga tao nung unang panahon ang pagkain ng hilaw na karne, subalit nagbago ito dahil sa pagkakatuklas ng apoy. Tinaguriang pinakamahalang natuklasan ng mga sinaunang tao sa panahong paleolitiko. Natuklasan ang apoy dahil sa pagtama ngkidaat sa isang punong kahoy. Nagliyab ito at may is mabangis na hayop ang lumabas dito. Nang malasahan ang lutong karne ay nasarapan sila dito at nagustuhan nila ito kaya nasayanay na sila dito. Nagsimula na sila sa paggawa ng apoy gamit ang paulit-ulit na pagkikiskis ng dalawang bato upang makagawa ng mainit na apoy.
- Pinatunayan ito ng mga nahukay na labi sa indonesia at china amg pamumuhay ng mga sinaunang tao sa kontinente. Batay sa mga nahuay na buto at kasangkapan, masasabi ang Taong Java at Taong Peking ay mahuhusay na mangangaso at may kaalaman sa paggamit ng apoy. Bihasa na rin sila sa pagyari ng kagamitang bato. Sa Pilipinas ay may nakitang buto ng malaking hayop at mga kagamitang ginagamit na yari sa bato. Nagtagpuan ito sa cagayan dito pinaniniwalaang nanirahan dito ang taong cagayan 500,000 hanggang 250,000 taon na ang nakakalipas. Ang mga natagpuang buto sa yungib ng tabon sa palawan ay patunay ng paninirahan ng mga sinaunang tao sa bansang pilipinas. Tinawag nila itong Taong tabon na nabuhay 23,000 B.C.E.
- Sa Panahong Paleolitiko nagsimula lang gumawa ng kagamitanag yari sa bato ang mga sinaunang tao.Magagaspang pa lang ang mga kagamitan nila hindi pa masyadong pulido at maayos ang pagkakayari sa kanilang mga kagamitan. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pangangaso sa kagubatan at pangangalap ng pagkain ang kanilang.
- Ang mga Sinaunang Tao ay palipat-lipat ang mga ito dahil naghahanap sila ng makakain.Ang paraan ng kanilang pamumuhay ay tinatawag na nomadic o walang permenenteng bahay. Ang tawag nam,an sa mga taong lagalag ay nomad.
Ang kahalagahan ng pagtuklas ng apoy
*Panakot o pantaboy sa mababangis na mga hayop*Proteksiyon mula sa malamig na panahon
*Nagbigay-liwanag sa madilim sa yungib
*Gamit sa pagluto ng pagkain
Panahong Mesolitiko
- Sa Panahong Mesolitiko naganap ang isang malaking pagbabagong pangkapaligiran. Ang pagkatunaw ng mga glacier o malaking tipakng yelo. Nagbigay-daanang pangyayaring ito sa paglago ng mga puno at mga halaman sa kagubatan. patuloy parin ang pangangaso at nangangalap ng pagkain ang mga sinaunang tao. Hindi na ito tulad ng Panahong Paleolitiko. Sa panahong Mesolitiko ay naging mas mahirap ang kanilang pangangalap ng agkain mula sa kapaligiran. Natutuhan nila ang pagpapaamo ng mga aso. Nakatulong dito ang pangangaso ng mga mababangs na mga hayop. Mas mahusay na sa panahong mesolitiko ang mga nabuong kagamitang bato bagamat hindi pa rin masyadong pulido ang bato.- Nagsimula na manirahan ang mga sinaunang tao malapit sa pampang ng ilog at dagat. Nadagdagan ang mga ito ng lamang-ilog at lamang-dagat ang uri ng kanilang pagkain. Maituturing din na pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa panahong mesolitiko ang sasakyang pangdagat na tinatawag na dugout o canoe. Giagamit mnila ito sa pangingisda sa mga ilog para may makaing lamang dagat at mababaw na bahai ng dagat.
Panahong Neolitiko
- Sa Panahong Neolitiko hindi na sila masyadong umaasa sa kanilang kapaligiran. Isa sa mga patunay nila ay ang pagsasaka. Tinatawag nila itong Neolitic Revolution. Hindi pa ito na papaliwanag sa kasalukuyan kung paano natutuhan ng mga sinaunang tao ang magtanimat magsaka. Ang maliwanag ay isa itong malaking pagbabago na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga sinaunang tao.
- Ang mga tao sa Panahong ito ay mula sa lagalag ay naging sedentary o permenenteng tirahan ang mga sinaunang tao. kailangan nilang gumawa ng bahay malapit sa kanilang mga pananim upang mabantayan sa mga naninira ng pananim na mababangs na hayop. Dahil matagal ang proseso ng pagtatanim ng palay at pag-aani nito.
Panahong Metal
- Ang Panahong Metal ay nagsimula sa pagkakatuklas sa tanso o copper. Ito ang unang uri ng metal na ginagnait ng ga sinaunang tao. Ang pagproseso ng tanso ay ipinapalagay sa unang ginawa sa Kanlurang Asya. Gianagamit ito sa mga palamuti o kagamiotang pangdigmaan.
- Sa patuloy na pagtuklas ng mga sinaunang tao sa mga kagamitan. Sinubukan nilang paghaluin ang tanso at tin. Mula sa paghahalong iyon nabuo ang bronse.
Panahong Bronse
- Hindi nagbago ang paraan ng pamumuhay nila, pero napabilis at napagaan nila ang kanilang mga gawain sa pangaraw-araw. Mas Matibay na ang mga kasangkapan gawa sa bronse.
Pamantayan sa pagtukoy kung may Kabihasnan ang isang lugar
*Pamahalaan
*teknolohiya
*kultura
*Sistema ng paniniwala
*Sistema ng Pagsulat
*Economic Specialization
*Social Stratifcation
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento