Introduksyon:
Sa lahat ng mga mambabasa nito ay ginawa ko ito upang mabalik tanaw natin ang mga pamumuhay ng mga sinaunang asyano sa daigdaig at mga pamana nito sa atin. Halika ! Alamin natin ito :)
Mga Pamana ng Kanlurang Asya
Mesopotamia
- umusbong ang kabihasnang Sumerian at kauna-unahang kabihasnan sa kanlurang asya
Cuneiform
- pinaka-mahalagang ambag ng mga sumerian
- cuneiform nangangahulagang "hugis-sinsel"
- pinaka unang sistematikong paraan ng pagsulat
Epic of Gilgamesh
- itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan
- tinatayang ginawa noong 2000 B.C.E
Sexagesimal
- pagbibilang batay sa numerong 60
- nagbunsod sa sistematikong paghahati ng oras at ng bilog
Hittite
- isang uri ng metal na mas matibay kaysa sa tanso
- ito din ay ginagamit sa digmaan
Sanskrit
- pangunahing kontribution ng mga Indian
- pinag-ugatan ng maraming wikang Indo-European
- nasusulat ang maraming mahahalagang pampanitikan
Vedas
- katipunan ng sargardong teksto mula sa sinaunang India
- itunuturing na pinaka-matandang akdang pampanitikan kabihasnang Indo-Aryan
Panchatantra
- ang pinakamadalas na isalin sa akdang pampanitikan ng India
- kwentong india na karaniwang hayop ang pangunahing tauhan
- malaking impluwensiya sa mga manunulat ng pabula
Ayurveda
- isa sa pinakamatandangsistema o agham ng panggagamot
- nagsimula ang ayurveda na nangangahulugang "agham ng buhay"
- kilala ngayon ang ayurveda bilang isang alternatibong paraan ng paggagamot
Mga Pamana ng Silangang Asya
Origami
- origamo o japanese paper folding ay nagsimula sa Japan dakong ikaanim na siglo
- kaugnay sa pagbabalot ng mga alay sa mga rituwal ng Shinto
- sinasabi din na nag-ugat din ang folding paper sa china
Pulbura
- naimbento ng mga chino ang pulbura noong ikasiyam na siglo bunga ng pag-eekspiremento
- Noong panahon ng Song ay ginagamit ng mga Tsino ang pulbura upang gamitin sandata
Civil Service Examination
- Mga sinaunang Tsino ang nagpasimula ng pagkaroon ng civil service examination
- nagsimula ito noong dinastiyang Han at pinabuti ng dinastiyang Tang
Great Wall of China
- Dakong 220 B.C.E inutos ni Emperador Shi Huangdi pinuno ng dinastiyang Qin ang pagdurugtong ng pader at dito nagsimula ang Great Wall of China
- Disenyo upang pananggalang laban sa mga tribo mula sa hilaga ng china
Woodblock Printing
- paghanda ng bloke ng kahoy, kung saan inuukit ang mga titik at disenyo
- Ginagamit din ito sa pag-imprenta ng mga tekstong panrelihiyon na may kasamang disenyo
Buljo Jikji Simche Yojeol
- pinakamatandang aklat na nanatiling na inimprenta gamit ang movable metal printing
- Laman ngg aklat ay mahahalagang aral ng buddhism
Acupuncture
- paraan ng pag tusok ng mga pinong karayom sa balat
- itunutusok sa mga partikular na bahagi ng katawan upang gumaling ang karamdaman o maibsan ang sakit
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento