Proyekto sa A.P. Pangalan: Kyle Aldrin Reyes
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Kabihasnang Sumerian
Sa malaking bahagi ng kasalukuyang Iraq matatagpuan ang Mesopotamia. Kabilang ito sa tinatawag na Fertile Crescent, isang sinaunang rehiyon ng Asya na may matabang lupain at lumalandas mula Persian Gulf at hanggang Mediterranean Sea.
Sa pook na ito dumadaloy ang ilog Tigris at Euphrates. Nanggaling sa salitang "mesos" at "potamos" na nangangahulugang pagitan at ilog. Tinagurian ang Mesopotamia bilang "Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog.
Malaki ang itinulong ng dalawang ilog na Tigris at Euphrates, sa pamumuhay ng mga Sumerian noong unang panahon. Pag wala ang dalawang ilog na ito, walang mapagkukunan ng isda, hindi mainam taniman ang mga lupain at mabagal at mahirap ang komunikasyon at kalakalan.
Maraming magandang naidulot ang dalawang ilog pero marami ring masamang naidulot ito sa Sumer. Nagkakaroon ng malawakang baha at nasisira ang mga pananim at mga tirahan. Pero, kung hindi ito nangyari hindi maiimbento ang sistema ng patubig na pang protekta mula sa baha.
Mga mahahalagang natuklasan ng mga Sumerian
Ang Sistema ng Pagsulat
Tinatawag na "cuneiform" ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
Pinatulis na tangkay ng damo ang gamit ng mga Sumerian sa pagsulat sa luwad o clay. Clay Tablet ang tawag dito pag ito'y matigas na.
Scribe ang tawag sa mga dalubhasa sa pagsulat ng cuneiform.
Kabihasnang Indus
Matatagpuan dito ang Harappa at Mohenjo-Daro na sa kasalukuyan ay ang India at Pakistan. Ang India ay tinaguriang "subcontinent of Asia". Mas malaki pa ito sa kanlurang Europa.
Ang Khyber Pass ang nagsisilbing daanan ng mga dayuhang gustong pumunta sa India.
Ang arkitektura ng mga gusali sa lungsod ay talagang kahanga-hanga. Napapaligiran ito ng nagtataasang pader. Sa gitna naman nito ay mayroong paliguan na ginagamit sa kanilang panrelihiyong ritwal.
Ito rin ang kabihasnang may pinakamaayos na sistemang daungan. May daluyan ng maruming tubig at kanal. Yari sa luwad ang tubo ng mga palikuran at liguan patungo sa kanal na nasa ilalim ng kalsada. Talagang kahanga-hanga ito. Dahil dito maayos na ngayon ang ating mga daluyan ng tubig.
Ang pagbagsak ng kabihasnang ito ay dulot daw ng mga tinatawag na Aryan sa India na sinasabing dulot ng patuloy na pagbagsak ng kabihasnang Indus.
Kabihasnang Tsino
Umunlad ang pamayanang Tsino sa tabi ng Huang Ho River. Katulad sa Mesopotamia at India, naninirahan din ang mga sinaunang tao sa China sa mga lambak-ilog. Ito ay dahil mainam taniman ang lupain, may maiinom na tubig, tubig panligo at iba pa.
Huang Ho River o Yellow River |
Dalawang ilog ang pinakamahalaga sa China. Ang Yangtze o Chang Jiang at Huang Ho o Yellow River.
Yangtze o Chang Jiang |
Ang Dinastiyang Shang
Namahala mula dakong 1750 B.C.E. hanggang dakong 1150 B.C.E.. Pangunahing lungsod nito ang Anyang na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Huang Ho River. Kung ang Sumerian ay may sariling sistema ng pagsulat, meron din sarili ang Dinastiyang Shang. Mahusay sila sa paggawa ng kasangkapan gamit ang bronse.
Tulad ng isang piramide ang estruktura ng lipunan. Sumasamba sila sa maraming diyos. Naniniwala sila na may ganao na kapangyarihan ang mga diyos sa lahat ng bagay na nakapaligid sa kanila, maging ang pagbaha at pagkakasakit.
May 3000 simbolo ang kanilang paraan ng pagsulat. Nakasulat ang mga simbolong ito sa mga buto ng baka o tupa. Oracle Bone ang tawag sa mga butong ito.
Tanyag rin sila sa paggamit ng bronse. Una, sandata lamang ang gamit nila sa bronse. Paglaon, natuto rin silang gumawa ng mga estatuwa, baso, at sisidlang gamit sa mga seremonya.
Pinabagsak ng Dinastiyang Zhou ang Dinastiyang Shang noong 1122 B.C.E..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento