Miyerkules, Oktubre 2, 2013

Ang mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan

Introduksyon
          Dati pa lamang mayroon na tayong kabihasnan. At dahil marunong na silang mag tanim at mangisda. Itnayo nila ang mga kabihasnan na iyon sa mga lambak-ilog. Kung saan marami silang pwedeng makunan ng likas na yaman. Na pwedeng rin nilang gawing pang hanap buhay o kaya pang kain nila. At ginagawa din nilang daanan  ng transportasyon ang mga ilog. Kaya sila nag tayo ng mga kabihasnan sa mga lambak- ilog.  Maraming kabihasnan na ang naitayo dati, sa iba’t-ibang parte ng mundo. Pero sa Asya muna tayo mag bigay pansin.


PANAHONG PALEOLITIKO
          Ito yung panohon ng mga magagaspang na mga kagamitan. Ito rin yung panahon kung saan umaasa pa ang mga tao sa kalikasan. Kaya ang kalikasan ay mahalaga sa kanila, dito sila kumukuha ng  kanilang pa ngangailangan tulad ng pagkain. Isa sa mga mahalagang natuklasan noon ay ang apoy. Dahil ito ay ginagawa nilang panaboy sa mababangis na hayop, manluto ng pagkain, pampainit sa malamig na panahon, at nag bibigay ng ilaw sa mga madidilim na kweba.

MESOPOTAMIA
          Ito ngayon ay ang bansang Iraq. Ito ay matatagpuan sa sa gitna ng dalawang ilog. Ang mga ilog na iyon ay ang mga Ilog Eufrates na nasa timog bahagi ng Iraq at ang Ilog Tigris na nasa hilagang bahagi ng Iraq. Kilala rin ito sa tawag na Fertile Cresent. Dahil sa hugis niyang cresent na parang buwan. At sa mataba niyang lupa, na angkop para sa pagsasaka. Isa sa mga kabihasnan dito ay ang Sumer.

SUMER
           Sumer ang tawag sa kabihasnan at Sumerian naman ang tawag sa mga tao rito.  Ang mga halimbawa dito ay ang mga pagsulat, matematika at astronomiya, transportasyon,at  sining.  Ang pinaka mahalaga dito ay ang sistema ng pagsulat.

  • PAGSULAT

           Ang tawag sa sistema ng pagsulat nila ay Cuneiform. Ang mga tagapagsulat naman ay tinatawag nilang Scribe. Ang pangsulat nila parang stylus. At ang kinilang sinusulatan ay isang malambot na clay(cuneiform tablet). Pagkatapos naman itong isulat, ito naman ay pinapatuyo ang tawag dito ay tablet.

  • MATEMATIKA & ASTRONOMIKAL

          Ang mga taga-Mesopotmia ang nagpakilala ng talaan ng multiplikasyon, at dibisyon. Sila rin ang nag sabi na ang isang bilog ay 360 digri at may 60 minuto sa isang oras. Sila rin ang nag sabi na an gang isang taon ay binubuo ng 12 buwan at ang isang buwan naman ay binubuo ng 30 araw.

  • TRANSPORTASYON

          
          Sakanila natin nakuha ang pag gamit ng gulong, napadali nito an gating paglalakbay sa mga lugar-lugar. Napadali rina ng pagpapadala ng produkto sa ibang mga lugar. Napadali rin nito ang paggawa ng mga impastraktura.

  • SINING

      Ang mga Sumerian ay mahilig sa mga magagndang bagay. Marunong din silang gumawa ng mga lahas, palamuti, at dekorasyon. Marunong din sila sa larangan ng musika. Dito nila napapalawak lalo ang kanilang mga imahenasyon.

KABIHASNANG INDUS
          Ang mga eksperto ay nakahuhay ng dalawang lungsod: ang Harappa at ang Mohenjo-Daro. Ang Anggapa at Harapa-Daro ay may citadel. Sa citadel matatagpuan ang pinaka centro ng lungsod at dito rin matatagpuan ang The Great Bath. Sa The great bath, ang mga pwedeng maligo ditoa ay ang mga matataas na opisyal lamang.

KABIHASNANG SHANG
     Wala masyadong nahukay ang mga eksperto na mga  artifacts. Ang mga nahukay nila ay mga oracle bones. Ang mga oracle bones ay buto ng baka o tupa. Ito ay siusulatan at sinusunog at pagkatapos ang mga biyak at pinapaliwanag ang ibig sabihin ng mga biyak na iyon.




 Janylle O. Gomez 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento