Proyekto sa Araling Panlipunan
Ipinasa ni: Patricia Dela Cruz Ipinasa kay : Ginoong Maramag
Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Australia at Oceania; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.
Maraming maraming katanungan ang umiikot at dumadaloy sa ating kaisipan ukol sa mahalagang Pamana ng mga Asyano. Tulad ng ano nga ba ang naging kontribusyon ng mga mamamayan sa panahong ito? Ang mga pamana bang ito ay may maganda o masamang impluwensya sa mga Pilipino? Ano nga ba ang pagbabagong dulot ng mga imbensyon at ideya ng mga sinaunang Asyano? Paano at Saan ba ito natuklasan ng mga sinaunang Asyano na naninirahan sa daigdig?
Bago pa man tayo manirahan sa daigdig ay may mga kagamitan ng natuklasan at naimbento ang mga sinaunang Asyano. Kung ating susuriin ay nakakamit at napapakinabangan natin ang iba’t- ibang imbensyon at ideya ng mga sinaunang mamamayan sa ating daigdig. Ngunit kung ating tutuklasin ang mga ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon dahil na din sa taong namamahala at patuloy na nagpapaunlad nito sa kasaliukuyan. Malaki ang naging ambag ng mga sinaunang Asyano para umunulad ang ating pamumuhay. Masasabi natin na pinatunayan ng mga sinaunang asyano ang kahalagahan ng kanilang mga nalikha sa kasalukuyan.
|
Pamana mula sa Kanlurang Asya ay matatagpuan sa Mesapotamia (Iraq), ang Mesapotamia ay matutukoy natin bilang kauna-unahang kabishasnan sa kanlurang Asya.
Ang kabihasnang ito ay maraming naiiambag sa atin sa kasalukuyan at nakatala sa ating kasayasayan. .
*Ang Epic of Glamesh ang pinakaunang akdang pamapanitikan sa daigdig.
Ang Cuneiform ang isa sa mga halimbawa na naambag at ang Cuneiform ay isang paraan ng pagsusulat at natuklasan ni Henry Rawlinson. Ang tinatawag na behistun rock na siyang nagbibigay daan upang mabasa ng mga siyentistaang mga nakasulat sa lapidang mga taga- Mesapotamia. Ang naiwang tablet ng mesapotamia ang siyang naging basihan ng sinaunang kabihasnan.
*Ang Sexagesimal ito ay isang uri ng paghahati ng oras at isang bilog.at may katiyakang kaalaman ukol sa larangan ng astrolohiya at geometry na nagagamit natin sa kasalukuyan na panahon.
*Ang gulong ay isa sa pinakamahalagang natuklasan dito dahil sa kapakipakinabang gamit at maaring gamitin pangtransportasyon na gawain.
*Ang Code of Hammurabi ay isa sa mahalagang mana ng mga Bibilonian na naglalaman ng batas na naguukol sa paksang sibil, pangkalakalan at criminal.
*Ang Hittite ito ay ang pag-gamit ng bakal na mas matibay kaysa sa tanso. Ang
*Ang Araro ay ginagamit sa pagkalaykay ng lupa upang tamnan ng binhi tulad ng palay.
*Ang Ur Nammu Code ay pinaka- unang batas na naimbento sa daigdig.
Ang Sasakyang pangkalakalan ay siyang ginamit ng sinaunang Asyano sa pagtungo sa ibang lugar upang makipag kalakalan. Madaming kagamitan ang naiambag ng sinaunang Asyano na nakatatak na sa ating kasaysayan pandaigdig.
Kabihasnang India
Pamana mula sa Timog Asya (India), dito maraming nabago sa buhay ng sangkatauhan kung saan madami ang kontruibusyon ng mga indian o taga India. Maraming naambag ang kabihasnanang ito hindi lamang mga kagamitan pati na rin ang kanilang kultura.
*Ang Sanskrit ay ang pinagmulan at pinagkuhanan ng maraming wikang Indo-European at nagagamit ito sa ritwal na seremonyang Buddhist at Hindu.
*Ang Vedas ay nagmula sa India may mga nakatalang sagradong teksto dito.
*Ang Rig Veda ay ginawa bilang talang pankasaysayan ng daidig na nagbibigay linaw sa buhay ng India sa panahong vedic at gabay pa rin ito sa pamumuhay ng Indian
. *Ang Mahabbarata ay siyang sinasabing pinaka importanteng ambag ng India sapagkat ito ang pinakamahalagang akdang pampanitikan sa mundo.
*Ang Panchatatra ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang Asyano. Sapagkat dito natin nalaman ang tintawag na pabula kung saan ang pangunahing tauhan dito ay hayop at sa huli may aral na makukuha rito. *Ang Ramayana isa rin sa mahalagang ambag sapagkat uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at tungkol sa dakilang pag-iibigan.
*Ang Ayurveda isang sistema ng tradisyonal na gamot ng katutubo sa Indian subcontinent at mga uri ng alternatibong medisina. *Ang Ayurveda ay nagiging malaking tulong hindi lamang sa noon ngunit pati na rin sa kasalukuyan dahil sa alternatibong paraan ng paggagamot. *Ang Sushhruta Sambita ay isang Sanskrit na teksto sa surgery na naging isa sa ambag ng mga sinaunang Asyano sa Daigdig.
|
*Ang papel ay naging malaking tulong at ambag ng China dahil ditto mayroon na tayong pwedeng pagsulatan ngunit sa pagdami ng papel na naaaksaya ay siya ding dami ng puno na nasisira at namamatay.
*Ang Magnetic compass dahil dito mas napapadali ang pamumuhay ng mga tao at malaki rin ang tulong nito. Ito ay ang nagsisilbing direksyon lalo na kung hindi mo alam ang daan patungo sa iyong lalakbayin at kung ikaw ay naliligaw sa lugar iyong tinungo.
*Ang woodblock Printing ay ginagamit upang makapag print ng isang teksto.
.
*Ang Acupuncture ay isang proseso ng pagtusok ng karayom sa iba’t- ibang parte ng katawan na pinaniniwalaan na napapagaan at napapagaling ng masamang pakiramdam. *Ang haiku ay isang tulang pamana satin na walang tugma at nagbibigay batid sa kalikasan. *Ang tanka ay isang maiksing tula ng Hapones. *Ang Makura No Soshi ay makikitaan ng obserbasyon, pananaw at saloobin ng mga sinaunang asyano sa daigdig na ginamit natin upang macaroon ng kabihasnan. *Ang Cha-No-Yu ay isang seremonya na naktutok hindi lamang sa pag-iinom ng tsaa ngunit pati na rin sa pananaw nila sa pagkakaisa atbp...
Sa kabuuan.......
|
*Sa kabuuan ang dapat natin gawin sa mga pamanang handog sa atin ng mga sinaunang asyano ay pangalagaanat bigyan importansya ang mga ito.
* Dapat din na ipagmalaki ito sa lahat at huwag ikahiya sapagkat dahil dito mas napapadali at umuunlad ang ating pamumuhay.
* Dapat din na ipagmalaki ito sa lahat at huwag ikahiya sapagkat dahil dito mas napapadali at umuunlad ang ating pamumuhay.
*Gamitin ang mga pamana na ito sa tama at iwasang gamitin sa mali.
*Dapat din pagyamanin at ipagpatuloy ang pamana upang magamit ng susunod na henerasyon.
* Iwasan ang mga bagay na makakasama sa mga pamana satin sa dulo magkaisa upang hindi bumagsak ang mga pamana satin.
Ang mga pamana satin ng mga sinaunang Asyano sa daigdig ay ay ginagamit natin at mas pinapa- unlad parin sa kasalukuyang panahon. Ang mga pamanang ito ay minsan may dulot na masama o maganda satin. Ang mga pamana na ito ay nasa kamay na natin ngunit nasaatin parin ang decision sa lahat ng mga ito. Sa bawat rehiyon ay may iba’t ibang pamana ngunit ang tanong ibabasura mo ba ang lahat ng ito o pauunlarin mo pa?Sa dulo isa lang naman ay kailangan natin ang magkaisa sa lahat ng mga ito.
(NOTE: BAWAT KULAY PO NG HIGHLIGHT AY MAGKAKASAMA SA ISANG PARAGRAPH PINAGHIWAHIWALAY KO LANG PO YUNG MGA PAMANA PARA MALAGYAN NG LARAWAN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento