Mesopotamia
Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ay napaliligiran ng dalawang ilog. Ang ilog Tigris at Euphrates. Dito nagmula ang Kabihasnang Sumer. Ito ay tinawag na Fertile Crescent dahil ang lupa sa pagitan ng ilog ay mataba at mainam pagtaniman ng palay.
Nagpatayo din sila ng mga lungsod gaya ng Ur, Erech, Eridu, Nippur, Kish, Larsa, Lagash at Umma. Marami ang naging kontribusyon ng mga Sumerian. Ito ay ang pagsusulat, matematika, transportasyon atbp.
Ito ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Ito ay tinatawag na cuneiform. Ang cuneiform ay ang pagukit o pagsulat sa luwad. Ito ang unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya.
India
Kabihasnang Indus
Ang India ay isang subcontinent sa Asya dahil ito ay isang malaking bansa. Ang India din ay mayroong umusbong na kabihasnan na kung tawagin natin ay Indus. Ito ay nagmula sa Mohenjo Daro at Harappa.
Noong nagsimula ang sibilisasyon dito, ay nagpatayo ng gusali ang kanilang lider. Ito ay may daluyan ng tubig at nakahiwalay ang lider sa mga residente. Ngunit sa kasamaang palad ay umapaw ang mga kanal na ginawa nila at sila ay binaha. Kaya tuluyang naglaho ang sibilisasyon nito.
China
Ang China ang itinuturing na isa sa maunlad na bansa. Dahil sa mauunlad na pamumuhay nito, ang kanilang implywensya at kultura. Masasabi din natin na ang mga tsino ay maimpluwensya, dahil tayo din ay ipinagdidiriwang ang kanilang mga okasyon atbp. Ngunit ito din ang pinakapopulado na bansa.
Ang China ay may dalawang ilog na kung saan dito umusbong ang kabihasnang Shang. Una ang Yangtze River (Chiang Jiang) at ang Huang Ho (Yellow River). S Huang Ho nagsimula ang dinastiyang Shang. Dito sinasabi na ang Shang ay pinangunahan ng mayaman na pamilya na Shang.
Ang Shang ay isa sa mayayaman na pamilya, at sila ang nanguna sa pamumuno sa lambak-ilog na yon. Marami din ang kontribusyon ng dinastiyang ito. Isa na ang relihiyon, pagsulat, atbp.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Huang Ho. Ito ay tinawag na "China's Sorrow" dahil kapag ito ay napupuno pag may bagyo sakanila ay nagreresulta sa baha. Kaya ito ay nakakapinsala ng mga ariarian, palay, nga pinagtaniman at ang masama, pagkamatay ng tao.
Ito ay ang Oracle Bone. Ito ay sinasabi na inuukitan ng mg letra at ang gamit ay bungo ng tupa. Ito ay inuukitan ng mga nais iparating ng lider ng dinastiya na iyo at dadasalan, iinitan. At kapag mayroon na itong mga crack, ito ay ipinapatingin sa experto at ang nakasulat daw ay ang sagot ng Diyos. Sinasabi na ang mga Chino ay naniniwala sa maraming Diyos. Ang kasangkapan nila ay bronse.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento